top of page
Nang mabukong nagpapanggap lang na lalaki ang kanyang driver na si Chiko (na Francheska pala sa totoong buhay) ay nagalit si Steven. Ang ibig nito’y umalis nang oras ding iyon sa kanyang bahay ang dalaga. Galit kasi ito sa mga taong manloloko lalo pa at babae ang taong iyon. Pero nakiusap si Francheska na kung maaari ay maglingkod na lang siya bilang katulong rito. Sa ganoong paraan ay magagawa pa niyang makabayad sa kanyang atraso rito nang hagisan niya ito ng relyenong bangus sa mukha. Isa pa ay nangangailangan ng trabaho si Francheska dahil sa problema nito sa gulong napasok ng ama. 
Buo sa loob ni Cheska ang pamamasukan kahit bilang katulong man o driver kay Steven. Alam niya kung bakit. Hindi dahil sa tatay lang niya kung hindi dahil may lihim na rin siyang pagnanasa sa napakaguwapong si Steven Salcedo. Pero paano niya magagawang manatiling kasama nito kung puro sakit naman ng loob ang napapala niya?

The Imperfect Perfectionist 2

$2.00Price
    bottom of page