top of page
Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo ng landas nina Phil at Abigael sa isang ospital kung saan naglilingkod ang lalaki bilang doctor at naka-confine naman ang kapatid ng huli. Inakala ng dalaga na ang doctor na ipinangangalandakan nitong pangit at may busargang ilong ay walang iba kundi si Dr. Cerdan. Isang pagkakamali dahil ang totoong Dr. Cerdan ay hindi lang guwapo, kundi yumminess pa. Katunayan ay naging crush niya agad ito at pinag-iisipan na nga niya kung paanong magpapapansin dito. 
Pero nawindang siya nang sa isang iglap ay pumasok sa eksena si Lola Merced, ang intrimitida at masungit na lola ni Dr. Phil. Hindi niya alam na may career pala ito sa panggagayuma. Itinuro nito sa kanya ang dapat niyang gawin para mapansin ng apo nito. Hindi lang iyon, best actress din ang dating ng spoiled grena ni Phil kaya sa lahat ng oras ay nagagawa nitong i-manipulate ang kawawang doctor. Ang tanong, magtagumpay naman kaya ang ginagawa nila ni Lola Merced?

Love Potion 1

$2.00Price
    bottom of page