top of page
Masayahin at palabiro si Jim habang masaya namang kausap si Abel – ilan sa mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaking mamahalin. Gayunman ay hindi niya maitatatwang kakaiba ang dating sa kaniya ng misteryosong anyo ni Dante, ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Kakaiba din ang tibok ng puso niya kapag nasa paligid lang ito. Pero paano niyang magagawang pumasok sa puso nito kung tila maraming hadlang ang naghihiwalay sa kaniya? Sunud – sunod na misteryo ang unti – unting gumugulo sa isipan niya at sa lahat ng iyon ay tila si Dante lang ang may kakayahang magpakalma sa damdamin niya. Kapag kasama ito ay wala siyang pag – aalala. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bisig nito. Si Dante na nga ba ang sagot sa maraming tanong na bumabagabag sa isip niya o ito mismo ang nasa likod ng misteryo?

“Hindi ito tama! Mali ang pag – ibig natin sa isa’t – isa. Kung magpapatuloy ito ay hindi ako mapapatawad ng aking konsensiya…"

Kutob

$2.00Price
    bottom of page