top of page
Black sheep ng pamilya kung ituring ng marami si Radge pero ang hindi alam ng mga ito ay ginagawa lamang niyang miserable ang sarili upang mapansin ng mga magulang. Is it a mortal sin to enjoy his life to the fullest? Sabi nga ng marami, maikli lang ang buhay so why take it seriously? Instead of studying, kung anu – anong kabulastugan ang pinaggagagawa niya hanggang sa makilala niya si Trixia. Gaya ng dati, dinanas din nito sa mga kamay niya ang mga bagay na malimit niyang ginagawa sa mga babae. Pero ang hindi niya alam ay kung bakit hindi yata kaya ng ‘powers’ niyang gawing biktima ito. Hindi na siya natutuwa dahil habang lumalakad ang panahon ay tumataas ang presyo ni Trixia na ipinusta niya sa mga kabarkada. He’s in trouble, kailangan niyang makaisip ng paraan upang mapasakamay ang babae sa anumang paraan. Makakaya ba niya gayung umpisa pa lang ay nasikmuraan na siya nito?

Endless Love 1

$2.00Price
    bottom of page