top of page
Habang lumilipas ang araw ay nararamdaman ni Althea na lalo nang napapamahal sa kanya si Romualdo. Gayunman ay hindi sapat ang pagmamahal na iyon para tuluyan niyang kalimutan ang mga pangarap na hinabi niya noon pa mang maliit siyang bata. Sa isip niya ay hindi siya para sa San Simon. May ibang mundong para sa kanya sa labas ng bayan nila. Pero paano niya maaabot ang pangarap kung nagbunga pala ang isang gabing pagkalimot nila ni Ado? Tatanggapin ba niya ang alok nitong kasal kung ang kapalit naman niyon ay ang tuluyang pagkasira ng kanyang mga plano sa buhay?

“Maliit pa lang ako ay ikaw na ang crush ko. Sabi ko sa sarili ko noong una, kagaya mo ang hahanapin ko para maging asawa. Pero habang tumatagal, ayoko na palang humanap ng gaya mo lang, Ado. Gusto ko ay ikaw na mismo.”

Sa Kanya (Book 2)

$2.00Price
    bottom of page