top of page
Isang summer vacation ay sumama si Samantha Erin (Summer) sa kaibigang si Jam sa probinsiya nito upang sumagala. Ang problema, day 1 pa lang ay may kapalpakan na siyang nagawa. Nasa gym sila noon upang manood ng battle of the band nang inabutan siya ng ‘call of nature.’ Sa pagmamadali ay maling rest room ang napasok niya. Laking gulat niya nang paglabas ng cubicle ay makita ang maraming lalaking nakamasid sa kanya. Kumilos ang isang lalaking nakatayo sa malapit at inakala niyang babastusin siya nito kaya agad niya itong sinampal. Hindi niya akalaing ito pala si Migz, ang bestfriend ng kaibigan niyang si Jamela. Iyon ang naging simula nang mala-aso at pusa nilang pag-aaway. Pero tulad nang sinasabi ng iba, ‘the more you hate the more you love.’ Daw. Magkakatotoo kaya ang kasabihang ito sa kanila o mas pipiliin ni Summer na kalimutan na lang si Migz? After all, hindi naman ito papasa sa standards niya. He was just gorgeous but a good for nothing mechanic.

Akin Ka Na Lang

$2.00Price
    bottom of page